Tuesday, June 23, 2009

Makatindig-balahibong Kaarawan

Noong June 21, 2009 ay ang aking ika 23 na kaarawan. Pumunta ako sa Mall of Asia kasama ang aking nobyo. Madami kaming nakitang magaganda at magagarang sasakyan na ginawa ng Atoy Body Kits. Is asa mga kahanga-hangang sasakyan na nandoon ay isang replica ng Optimus Prime truck na hango sa pelikulang Transformers. Meroon kasing convention sa MOA, isang promotion para sa movie na Transformers 2 : Revenge of the Fallen ( which will be shown in major theaters nationwide today ---i'm gonna watch it later at SM Fairview). Madami kaming kinuha na litrato, pagkatapos ng ilang oras na paglibot sa MOA, pagkain sa Sbarro, at pagbili sa SM Department Store ay nanakit na ang aking mga paa, kaya napagdesisyonan namin na pumunta na sa Star City.
Pagkarating namin sa Star City, bumili na kami ng Ride-All-You-Can tickets na may kasamang tickets para sa Dino Land at Snow World na umabot sa halangang P500/tao. Una naming sinakyan ang nakakatinding-balahibong ride na katulad ng Anchor's Away sa Enchanted Kingdom. Pumasok kami sa Peter Pan, Snow White,Kilabot ng Mummy, Land of the Giants, pati sa Dino Land. Nagustuhan ko talaga sa Snow Land, dahil sobrang lamig at pakiramdam mo talaga ay nasa ibang bansa ka,akala ko nga ay mag-frostbite na ang ang mga daliri ko sa paa, dahil sa sakit na dinulot ng lamig sa kanila, nakasandals lang kasi ako noon. Sinubukan ko rin ang Ferris Wheel, kung saan maganda talaga ng view mula sa taas.Sumakay din kami sa Surf Dance kung saan naalog ng husto ang utak ko kaya hindi ko na nagawang makasay pa sa ibang rides dahil alam kong hindi na kaya ng katawan ko kahit gusto ko pang sulitin ang 500 pesos ko.
Over-all masaya ang naging birthday ko kahit na sobrang nakakapagod at lupaypay talaga ako pagdating ng hatinggabi. Sulit sya talaga, kaso nangarag talaga utak ko. Gusto ko pa sanang sumakay sa Star Flyer, ang malaking rollercoaster doon. May ibang panahon naman, at sa susunod ay Rubber Shoes na ang isusuot ko.

No comments:

Post a Comment