
Sa ngayon sobrang daming depressing na nagyari. Iyong mga close friends ko lumipat ng account, andito ako at nami-miss sila ng sobra, Nakakaburyo ng pumasok sa Comcast,uncertain ang future mo,hindi na talaga ako lilipat sa bwiset na Uverse na yan. Namputsa biglang nag-downsize,kung sakali doon me lilipat,baka sa kangkungan na ako pulutin.
Nag-iisip ako kung sa Cisco, Penguin or sa Encore ako lilipat. Gusto ko sa Cisco dahil madali lang ung account, Ortigas sya, Encore mejo mas mahirap Ortigas din, ung Penguin ay Pioneer account at tulad lang ng Comcast kaso ang layo sa G5, sa Makati. oh diba sosyalin!
Kanina pumunta kami ni Tina Baruelos, Weng, Shan at Lean sa Ever Commonwealth, kumain kami ng gurls sa Savory Restaurant in fairness masarap at mura, nabusog talaga me. Nag-window shopping kami at puro Divisoria ang pinag-sasabi ni Shan.
Nagsabay kami ni Wenggay papunta ng SM Fairview nag-FX kami. Bente ang pamasahe.Dahil ala naman katuturankung uuwi me dahil tambay mode lang me malamang sinamahan ko na lang si Weng sa pagghanap ng Crumpler isa syang lalagyanan ng laptop,at ng pang-regalonyang wallet. We ended up in Hypermarket kung saan bumili me sampayan na maliit for the undies, color blue sya dahil sa suggestion ni Wenggurl.Sya naman bumili ng aluminum na lalagyan para sa ibi-bake nya na Casava Cake. Diba Kabogers!







.jpg)